Nais po naming ipabatid na ang DMW Mobile App at OFW Pass ay nasa proseso pa rin ng PILOT TEST RUN. Bagamat maida-download na ang mobile app, ito ay hindi pa fully operational at dumadaan pa rin sa mga pagbabago at technical improvements. Iparating po sa amin ang inyong feedback at suhestiyon habang isinasagawa natin ito.
Para naman sa agarang tulong sa pagkuha ng OFW Pass, maaari po kayong makipag-ugnayan sa OFW Pass Contact Center sa email na ito: [email protected] o kaya’y tumawag sa mga sumusunod na numero:
☎+63 908 326 9344
☎+63 927 147 8186
☎+63 920 517 1059