Sa pagnanais na makakuha ng pera upang makapag-apply bilang seaman, sinubukan niya ang online lending na nakita niya sa Facebook. Siya ay nag-register at nakipag-usap sa mga “loan officers” na inutusan siyang makipag-ugnayan sa Telegram. Dito na nagsimula ang paghingi sa kanya ng mga scammer ng pera upang makuha na niya ang kanyang hinihiram na loan na P100,000.00, ngunit hindi na niya muling nakausap ang mga ito nang malaman niyang walang ipinadala sa kanyang bank account. Umabot sa halagang P122,700.00 ang nakulimbat ng mga scammer sa loob lamang ng 10 araw pakikipag-usap sa biktima.
Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), ang ganitong uri ng modus ay tinatawag na Advance-Fee Loan Scam, kung saan ang loan ay hindi ilalabas o gagawa o di kaya magbibigay ng mga dahilan sa biktima upang makakuha ng karagdagang pera kapalit ng ilalabas ng loan.