Lumagda sa isang kasunduan para palakasin ang Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons (AIRTIP) campaign at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW ang Department of Migrant Workers, Provincial Government of Ilocos Norte, Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Provincial Capitol, Laoag City, Ilocos Norte.
Dumalo sa memorandum of agreement signing sina Gob. Matthew Marcos Manotoc, DMW Assistant Secretary Mario Zinampan, DMW Region I OIC-Regional Director Romeo Jaramilla, OWWA Regional Director Gerardo Rimorin, DOLE Assistant Regional Director Honorina Dian-Baga, TESDA Provincial Director Socorro Galanto, Board Members Donald Nicolas at Portia Pamela Salenda, municipal mayors, Public Employment Service Officers, barangay officials at OFW Family Federation officers.
Nakapaloob sa MOA ang pagtutulungan ng Lalawigan ng Ilocos Norte at ng DMW, OWWA, DOLE at TESDA para sa pagpapalakas ng AIRTIP campaign, pagtatalaga ng OFW Help Desk sa bawat bayan, at pagkakaroon ng pinagsama-samang programa mula sa DMW, OWWA, DOLE at TESDA.