Bukod sa naging fact finding at onsite legal assistance mission sa Italya, naglaan din ng tulong legal ang Department of Migrant Workers, sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office ng Agoncillo at Malvar, Batangas at Tiaong, Quezon, sa mga biktima ng Alpha Assistenza scam sa Batangas at Quezon. Ang Alpha Assistenza SRL ay isang immigration consultancy services na naka base sa Italy at kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa umano’y pagsasagawa ng hindi awtorisadong pag-aalok ng trabaho sa Italya.
Naging modus ng nasabing agency ang mangako ng trabaho sa hotel at restaurant industry, at pagsasaayos ng kanilang “Nulla Osta” o work permits, kapalit ng 8,000 Euros o humigit-kumulang na Php 500,000.00, halagang ibinayad ng mga kamag-anak ng mga biktima sa Italy.
Ang mga naging biktima ng nasabing Alpha Assistenza scam ay nakapgsampa ng reklamo sa Philippine Consulate General sa Milan, Italy, samantalang ang mga nasa Pilipinas ay nakadulog na din sa DOJ. Ang mga nakuhang reklamo naman ng DMW ay naisampa din sa DOJ at sa NBI. Kasalukuyang nangangalap pa ang DMW ng mga ulat tungkol sa iba pang nabiktima ng Alpha Assistenza scam para mabigyan ng libreng tulong legal.
Maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng DMW-MWPB o mag-message dito upang matulungan sa pagsasampa ng kaso at mabigyan ng libreng tulong legal.