Muling pinaalalahanan ang publiko sa mga modus ng mga scammer na gumagamit ng pangalan ng mga licensed recruitment agency at kanilang authorized representative upang manloko ng mga nais magtrabaho abroad. Huwag po tayong maniniwala sa mga email o mga direct online messages na inyong natatanggap na kailangang magbayad para sa limited slots for deployment, dahil SCAM po ito!
Ang mga lehitimong transaksyon para sa job applications ay isinasagawa lamang ng personal o sa lehitimong address ng isang recruitment agency, na may kaukalang official receipt sa halagang ibinabayad sa kanila.
Mag search lamang po sa www.dmw.gov.ph ang agency at job order na inaapplyan. Maaari rin po kaming i-pm dito para sa anumang katanungan tungkol sa pag-aapply ng trabaho sa ibang bansa.